Chapter 66 "Sigurado na ako na hindi papasa sa bar exam Marla. Sa totoo lang nahihirapan ako talaga sa mga lesson natin. Marami akong hindi naiintindihan sa mga batas. Kung hindi lang ako palaging nasa mga pageant siguro ay hindi ako aabot sa senior year. Baka hindi rin ako Manalo sa mga kaso kung ako ang kukunin na abogado." Malungkot na sabi ni Natalie. "Huwag mo nga sabihin 'yan. Hindi lang ikaw ang hirap. Lahat tayo kahit ako pero sabi nga kapag may gusto kang makuha eh gagawin mo ang lahat para makamit mo. Hindi man lahat pinanganak na matalini napag-aaralan naman ang lahat kung may tiyaga." Nakangiting sabi ni Marla. "Hmm. Tama ka parang si Martin. Gusto siya makuha kaya gagawin ko ang lahat. Siyanga pala Marla bakit kaya binuhay ng mga halimaw ang papa mo? I mean 'wag ka magalit

