Malungkot na kumatok si Althea sa pinto nila pero walang nagbubukas. Hindi naman niya masilip ang nasa loob dahil natatakpan ng kurtina ang loob ng bahay. Sigurado naman siya na nakauwi na ang mga magulang mula sa pagtitinda sa palengke dahil hindi nagpapaabot ng gabi ang mga ito dahil nagluluto pa ng kakainin nila. Ang kapatid naman niya ay hanggang tangghali lang ang pasok at dapat ay kanina pa nakauwi. "Inay? Itay? Faye? Nasaan kayo?" Tawag nito habang katok ng katok sa kalawaing gate nila. Napalabas naman si Mang Troy na kapit bahay at lumapit sa kanya. "Mang Troy, Umuwi na po ba sila Inay?" Tanong nito sa matanda. Umiling naman ito at nakisilip din sa loob. "Hindi ko napansin pero lagi naman ako dinadalhan ng gulay ng tatay mo pag-uuwi sila teka pati ang kapatid mo ay hindi ko na

