Chapter 39 Dahil sa pag-iisip kay Marla ay nabunggo niya sina Terio at Temyo na pauwi na rin kasama ang ama. "Pinunong Groco. Patawad po hindi po namin sinasadya." Hinging paumanhin ni Terio. Umiling naman ang buwaya sa mga ito. "Ako ang may kasalanan dahil hindi ko kayo napansin may iniisip kasi ako. Pasensya na rin. Nasaktan ba kayo?" Sagot naman ni Groco. "Hindi po ayos lang kami. Maauna na po kami sa inyo." Papaalis na ulit sana ang mga ito ng may maalala si Groco na itanong. "Sandali lamang Terio. May itatanong sana ako" Bumalik naman ito agad pati ang mga kasama. "Ano po iyon Pinunong Groco?" Tanong nito. "Naisi ko lamang malaman. Noong nasa Sudonia pa ba kayo. M-Meron bang naligaw na mga tao doon? Sa Laringan kasi ay sigurado akong wala ni isa man napadpad na ibang nilalang"

