Chapter 53 "S-Sandali! B-Bakit ganun? B-Bakit mukhang dragon itong laman ng itlog nila Serpio?" Gulat niyang tanong sa sarili. Hindi dragon ang itsura nila Serpio at asawa. Normal na halimaw ang itsura ng mga ito. Kamukha rin nila ang namatay na anak na si Soren noon. Napaisip siya ng mabuti at masamang tinignan ulit ang patay na sanggol na dragon. Kung hindi siya nagkakamali ay iisa lang naman ang may lahi ng ganitong uri sa kaharian nila. Walang iba kundi sila Dragoda. "Hindi kaya..." Napangisi siya sa biglang naisip. Kinuha niya ang patay na sanggol at kumuha ng pambalot dito saka ibinaon ang shell ng itlog para hindi maghinala ang mga makakakita na may kumalkal nito. Inuwi naman niya ang patay na batang dragon at inilagay sa isang lagayan. Magagamit niya ito sa mga darating na ara

