Chapter 52 "Sorena!" Sinalo agad ni Serpio ang nahimatay na asawa saka binuhat para ihiga sa tulugan nilang dalawa. "Sorena! Sorena! Pakiusap gumising ka!" Sigaw ni Serpio sa asawa. Mahihinang sampal sa mukha ang ginawa nito sa nawalang malay na babae. Lalo naman nalungkot si Groco pero walang magawa para sa mga ito. Ngayon patay na ang itlog ng mag-asawa ay wala ng dahilan para makalaya pa o ilipat ng pagkukulungan. "Kinakalungkot ko ang sinapit ng inyong itlog. Ginawa ng mga sirena ang lahat para mabuhay siya pero hindi na daw kinaya." Magkakasunod na iling naman ang ginawa ni Serpio saka ulit lumapit sa butas. Puno nang luha ang mga mata nito. "S-Sabihin mo na nagbibiro ka lang. H-Hindi pa patay ang aming itlog. B-Baka mahina lang kanyang kalusugan ganun din kasi dati si Soren hind

