Chapter 51 "Patay ang laman ng itlog nila Serpio? Teka alam na ba nila?" Umiling naman si Yesha. "Hindi pa po kaya nga po hindi namin malaman ni Ina kung paano sasabihin sa kanila dahil tiyak lalong manghihina ang kanyang asawa." Malungkot na sabi nito. Napailing naman si Groco. Nakaramdam siya ng awa para sa itlog ng mga ito dahil wala naman itong kasalanan sa mga nagawa noon ng magulang. Medyo nagsisisi rin siya na hindi nalang muna pinalabas maski ang babae para makapag luwal ng maayos bago ibalik sa kulungan. "Ano nga po pala ang sadya ninyo dito?" Tanong ni Karina kaya nabalik sa isip ang buwaya. "N-Narinig naman ninyo siguro kanina ang sinabi ng hari na balak nito pumunta sa lupa hindi ba?" Tumango ang mag-inang sirena saka nagkatinginan sa isa't isa. "Ayun nga kaso hindi ko a

