Chapter 71 Seryosong naglalaro ng chess ang magkapatid na Dahlia at Rosa. Pinapanood naman sila ng mga magulang dahil walang nagpapatalo sa dalawa. Isang asul na sawa naman ang umaakyat sa bakod ng bungalow nila bahay. Kasunod ang iba pang kasama nito na mga ahas. Tahimik ang mga ito na gumapang papasok sa daan pinto kung saan dumaan ang alagang aso ng pamilya. Natanaw nila sa isang panig ang mga tao pero hindi muna nilapitan. Naghiwa-hiwalay ang mga ito sa buong bahay. May mga nagpunta sa kusina, lababo, Pati na sa magkabilang mga kwarto. "Mama, Diba po may binili kayo ni papa na cake? Pwede po ba kami kumain?" Tanong ni Rosa. "Oo naman sandali ay kukinin ko." Sagot nito pero agad na pinigilan ng asawang lalake. "Ako na" Nakangiting sabi ng ama saka mabilis na pumunta sa kusina. N

