Chapter 72 Napaisip si Onyok kung maniniwala kila Temyo sa suhestiyon nito. Over crowded na sila sa baranggay hall at hindi na maawat ang mga homes owners sa pagrereklamo. Nakita naman nila ang mga pulis na bumalik sa patrol car ng mga ito at mukhang natakot sa nakita. Tumayo sila at kumuha ng lighter sa bulsa. Sumilip siya sa likod at nakita na marami rin ahas na nagbabalak pumasok. Bigla niyang sinindihan ang hawak. Natuwa siya ng biglang naglayuan ang mga ito na animo takot na takot. Napabalik siya agad sa mga kasama. "Alam ko na kung paano mapapaalis ang mga ahas!" Masayang sigaw nito. Napasimangot naman ang mga naroon at animo ay hindi naniniwala. "Onyok, Ano ba ang sinasabi mo diyan?" Takang tanong ng kapitan. Nakangising lumapit dito si Onyok at pinakita ang lighter. "Ito ang

