Chapter 57 Abala si Nida habang nagsasampay ng mga nilabhan na damit. Siya nalang ang inaahasan sa mga gawain bahay ng ama dahil maagang pumanaw ang ina. Pagkatapos maisampay ay nagsimula na siyang maglinis sa maliit nilang bahay. Nagsaing at nagprito na rin siya ng galuggong na uulamin. Naghiwa ng kamatis at ilog maalat saka inihain sa mesa. Pinuntahan niya ang mga kapatid na gumagawa ng mga assigment at tinignan kung tama ang mga sagot. Nang masiguro niya na tapos na ang mga ito ay pinaligo at bihis na niya. Ginising na rin niya ang ama upang makakain na pagkatapos ng mga kapatid. --------------------------- "Marla, Tara punta na tayo." Aya ni Martin sa dalaga. Tumango naman ito at nagpaalam sa ina. "Ikaw hindi ka ba magpapaalam kay Tita Selena?" Tanong ng dalaga ng sumakay sila sa

