Chapter 24 -1970 flashback- "Pupuntahan ko po sila Serpio at Sorena upang humingi ng tawad sa pagpatay sa anak nila" Tumango naman ang ama nito at pumunta sa kulungan nga mga ito. "Sige mahal na hari" Ang sagot ni Dragoda. Tumutulong din kasi ang mga ito sa pag-aayos at pagpapakilala sa mga bagong nasasakupan. "Maraming salamat po at tinaggap ninyo kami dito. Buhay po namin ang kapalit sa mga nagawa namin sa inyo" Malungkot na sabi ni Temyo at mga kasama noon sa Sudonia kila Sudon. "Huwag ninyo na isipin ang mga nakalipas na, wala ba iyon samin ni Amira. Ang mahalaga ngayon ay paglingkuran ninyo ng tapat si Haring Agon. Siya ang karapat dapat na mamuno sa ating lahat. Siya na ang itinuring namin anak kaya sana ay huwag ninyo siyang biguin" Sagot naman ni Sudon. Napangiti naman si Amir

