Chapter 23 ----1970's Flashback---- Nagulat ang tatlo sa biglang paghulog ng patibong na kulungan hindi sila nakapalag o nakalaban man lang. Nagulat din ang mga kasamang alagad ng mga ito dahil sa nangyari. Hindi na sila makaatras pabalik dahil sinara bigla ang harang at naglabasan ang mga halimaw na alagad din sa Laringan at pumalibot sa kanila. Takot na takot naman sila Haring Serpio sa nangyari. Ang akala pa naman nila ay hindi na nila kailangan pa ba makipaglaban para makuha ang trono ni Haring Dragoda. Napatingin siya sa asawa at anak na halata din ang takot at pagkabigla. Hindi naman malaman ng mga alagad niya ang gagawin dahil napapalibutan sila ng mga taga Laringan na mga nakasuot pa ng pangdigmang armor. Walang wala sila kung sa itsura pa lang ang pagbabasehan. Mas malalaki a

