Chapter 17 "Ingat po kayo. Sa uulitin po" Paalam nila sa mga bisita. Pumasok na ang mag-asawa sa loob ng tuluyan makaalis ang lahat nagtaka sila nang nakitang wala doon si Hernan. Tinawag naman nila sa Martin na nasa lamesa pa rin at pumapapak ng cake. "Martin? Nasaan si Tito Hernan mo?" Tanong ni Miguel. Napaisip naman ang bata at dahil puno ang bibig ay tumuro lang ito sa itaas nila. "Miguel" Nag-aalalang sabi ni Selena. Naiintindihan niya ang tingin ng asawa. Hinawakan lang niya ang balikat nito at ngumiti. "Wala siyang makikita" Tumango naman si Selena. Mas dapat sila mag-ingat ngayon ahil naghihinala na ito na meron silang tinatago na Halimaw. Hindi na nila basta mapapaniwala ang lalake dahil ito mismo ay may nakuhang itlog. Nakita nilang pababa na si Hernan na parang nalugi ang

