Chapter 16 "Saan po tayo pupunta? Saan po tayo magtatago?" Tanong ni Natalie kay Pio habang mabilis na tumatakbo palayo sa bahay nila Hernan. Tinatanaw pa ng bata ang bahay nito. Kinakabahan rin siya sa ginagawa pero nakataya dito ang buhay niya. Isa pa ay malaki naman ang atraso sa kanya ng ama nito kaya nababawasan ang kunsensya. "Sa bahay ko. Doon tayo magtatago diba gusto mong makalaro si Marla? Isasali natin siya sa taguan" Namilog lalo ang mga mata nito sa tuwa saka tumango. Kaedaran din lang kasi niya ito kaya nagkakasundo sila tulad ni Martin. "Opo, Gusto ko po makipaglaro sa kanya. Bilisan na po natin" Kumapit pa ito sa mga leeg niya dahil binibilisan ang pagtakbo. “Sige kaya ‘wag ka maingay at kumapit ka lang” Tumahimik nga ang bata at masaya lang na nakakarga sa lalake. Naka

