Chapter 55 Tulalang nakahiga si Temyo sa kama habang si Suting naman ay mahimbing na ang pagtulog. Iniisp niya kasi ang naiwang pamilya sigurado siyang nag-aalala na ng sobra ang mga ito baka nga hindi na nakakatulog ng maayos ang magulang niya. Maski naroon naman si Terio para may mag-alaga sa mga ito ay tiyak hindi na alam ng mga ito kung nasaan o ano na ang nangyari sa kanya. Malamang ay alam na rin ng mga ito na nawawala na rin si Suting. Tinignan niya ang kaibigan. Kawawa naman ito kung mamamatay sa kamay ng hari o mga kasamahan dahil lang sa maling bintang. Siguro ay galit na galit dito ang lahat dahil inaklang ito nga ang pumatay sa mga kasamahan na kawal. Hindi tuloy niya alam kung paano babalik doon ng hindi maipapahamak si Suting. Hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo na

