Gabi na at wala parin si Joseph, hindi man lang ako tinawagan. Tumawag ako pero hindi ako sinasagot, tapos kanina pa ako text ng text. "Anak okey ka lang?" tanong ni Amelia. "Okey lang ako Amelia.." sabi ko, nasa kwarto ko daw ako, nakaupo lang sa kama at hinihintay ang pagtawag ni Joseph sakin. Narinig ko siyang nagbuntong hininga at umupo siya sa tabi ko. "Anak? Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo, okey na sakin na napatawad mo ang daddy mo kahit siya lang okey na ako don, salamat dahil pumayag ka na pumunta dito at para makilala ang mga pinsan at ang mga lola at lolo mo, salamat......" tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya at narinig kong humihikbi na siya. Bakit ba ayaw ko siyang patawarin? Dahil iniwan niya ako? Pero nandito na siya, sila! Dahil ba pinaba

