Nakarating na ako sa bahay niya at pinarada ko ang kotse tsaka pumasok sa loob. "Daisy iha? Bakit ka umiiyak?" salubong sakin ni Nay Linda. "Nay? Kailangan ko lang umalis, please wag nyo akong pigilan.." sabi ko at umakyat ng kwarto para magimpake. Wala natong atrasan! Hindi ko lubos maisip na magagawa niya to! Ito lang ang paraan para makapag isip-isip ako ng maayos. Pagkatapos kong magimpake,mabilis na naglakad ako palabas at sinalubong naman ako ni Nay Linda. "Saan ka pupunta nak?" huminto ako sa harap niya at hinarap siya. "Sa malayo. Kung saan hindi ako makikita ni Joseph, nay kailangan ko ng panahon para makapag isip-isip, tingin ko nagiging mabilis ang mga bagay-bagay, aalis na po ako .." niyakap ko siya at lumabas na ng bahay. Kinapa ko ang phone sa bulsa ko pero naalala kong

