CHAPTER FOUR

1027 Words
Ilang araw ng nakaliban si Ninay sa klase nila dahil abala siya sa pag hahanda sa naka takdang kasal nilang kasal ni Trino. Maaga palang nagtungo na si Ninay sa tahanan ng pamilyang Valiente dahil kailangan niya ng masanay na maka halubilo ang pamilyang magiging parte na ng buhay niya. " Mabuti naman at maaga kang nagtungo dito, Gisingin mo na si Trino sa kwarto niya" Utos sa akin ni Madam Lolita. " Huh? Gigisingin ko po siya?" Tila nagulat na reaksyon ni Ninay. " Malapit na ang kasal niyo kaya naman dapat masanay na kayo sa isa't isa kaya gisingin mo na siya" Seryosong pagkakasabi ni Madam Lolita at umakyat na si Ninay ng hagdan. Marahan binuksan Ninay ang pinto ng silid ni Trino at nagulat siya sa laki ng silid nito dahil triple ang laki nito sa Bahay nila. Nakita niya si Trino na natutulog sa kama nito at nilapitan niya ito. " Trino, Trino." Pag tawag ni Ninang sa pangalan ni Trino habang kinalabit niya ito sa braso " Ano ba natutulog pa ako" Saad ni Trino at tinakpan niya ng unan ang kanyang ulo. " Pinapababa kana Kasi ng Mom mo" Sabi ni Ninay at muli niyang kinalabit si Trino at hindi niya ito tinigilan kaya naman sa busit ni Trino napa balikwas siya sa kanyang pagkaka higa. " T-Teka bakit nandito ka kwarto ko?" Gulat ni Trino at napa iwas ng tingin si Ninay sa kanya dahil wala itong suot na damit pang itaas. " Pinapunta kana ng Mom mo sa baba" Naiilang na sagot ni Ninay habang naka lihis ang paningin niya Kay Trino. " Bakit hindi ka makatingin sa akin? Ang lakas ng loob mong magpa kasal sa akin tapos maiilang ka" Naka ngising sabi ni Trino. " Magbihis kana at bumababa na Tayo" Pag babaliwala ni Ninay sa sinabi ni Trino at nagulat siya ng hatakin siya ni Trino at napa higa siya sa kama samantala si Trino ay umibabaw sa kanya " Na i-imagine mo na ba kung ano ang gagawin ko sayo pag kinasal na tayo. Huhubarin ko lahat ng saplot mo at wala akong ititira, Alam mo ba na kaya Kong gawin yun Sayo ngayon" Nakangising pagkakasabi ni Trino habang naka tingin ng malagkit kay Ninay at tila tinatakot nito ang dalaga. " Sige, Subukan mo lang galawin ang katawan ko_" Hindi na natuloy ni Ninay ang sasabihin niya dahil nilapit ni Trino ang mukha nito sa kanya at amoy na amoy niya ang bugha ng hininga nito. Ilan sandali pa may biglang nag bukas ng silid ni Trino. Bumungad kay Madam Lolita ang position ng dalawa sa kama at tila nadismaya ito. " Pwede ba sa kasal niyo na lang gawin yan" Seryosong sabi ni Madam Lolita at biglang bumangon si Ninay kaya naman nagka untugan silang dalawa ni Trino. " Arayy" Sambit ni Ninay habang nakahawak sa ulo niya. " Arayy, Bakit ba napa careless mong babae ka" Naiinis na saad ni Trino at naka hawak din ito sa kanyang ulo. " Bumaba na kayo doon" Utos ni Madam Lolita at mabilis na sumunod si Ninay. Naging abala ang lahat para sa pag hahanda ng kasal nila dahil biglaan nga ito. Lumipas ang mga araw mas lalong nangangamba si Ninay dahil sa nalalapit nilang kasal ni Trino. Dumating ang araw ng linggo Isang araw na talaga naman napaka spesyal na araw sa pamilyang Valiente dahil Yun ang araw ng kasal nila Ninay at Trino. Nakasuot ng isang puting elegant dress si Ninay habang naglalakad sa gitna ng mga bisita ng kanilang kasal. Habang naglalakad ito naiinis na pinagmamasdan siya ni Trino dahil hindi nito matanggap na si Ninay ang babaeng pakakasalan niya. Nang malapit na si Ninay kay Trino bigla na lamang ito natapilok dahil sa kaba na nararamdaman niya. " Ingot talaga" Naiinis na sambit ni Trino sa pagkaka tapilok ni Ninay at mabilis siyang inalalayan ni Don Rodolfo upang ihatid Kay Trino. " Talaga bang ikakasal na ko?" Tanong ni Ninay sa kanyang isipan at inabot ni Trino ang kamay nito sa kanya. Nang mahawakan ni Trino ang kamay ni Ninay napansin niya ang pangangatog nito at talaga naman pinagpapawisan. Habang nagsasalita ang pare sa kanilang harapan mararanasan ni Ninay ang pagsakit ng tiyan niya ngunit tinitiis niya na lamang. Nang Sabihin ng pare na kiss to bride hindi na talaga napigilan ni Ninay ang pag utot sa harap ng pare at ng mga bisita. " Okay ka lang ba hija?" Tanong ng pare habang nakatakip ang ilong nito. " Nakaka deri ka talaga" inis na reaksyon ni Trino at subrang kahihiyaan ang kinaharap Ninay. Kahit ganoon pa man ang nangyari naging success naman ang kanilang kasal. Naging pribado lamang ang naging kasal nila Ninay at Trino tanging mga kamag anak lamang ang mga dumalo sa kasal kaya naman mabilis nilang nairaos. Sumapit na ang gabi at nagpa hinga na si Ninay sa mismong silid ni Trino. Maunang nagtungo si Ninay sa silid ni Trino kaya naman dinama niya muna ang malambot na kama nito. Ilan sandali pa pumasok na rin si Trino sa silid niya. Nakita niya na naka higa si Ninay sa kama niya kaya nakaramdam siya ng inis. " Sinong may sabi sa kama ka mahihiga? Kinasal lang tayo pero hindi tayo magtatabi, umalis ka diyan" Hinatak ni Trino si Ninay paalis sa kama niya. " Sabi ng Mom mo dito ako matutulog at hindi ko din naman gusto makasama ka sa iisang kwarto" Saad ni Ninay. " Magkakaroon ako ng ilang mga rules sa pag sasama natin. Sa sahig ka lang matutulog at ako ang unang gagamit ng comfort room at bawal mo pakialaman lahat ng gamit ko dito, Nauunawaan mo ba ako?" Seryosong sabi ni Trino Kay Ninay at isanag buntong hininga ang kanyang pinakawalan. " Wala ka na bang sasabihin? Inaantok na kasi ako" Naiinis na tanong ni Ninay at nagtungo siya sa sofa at doon na lamang siya nahiga. Pipikit na sana siya ng biglang magsalita ulit si Trino. " at ang pinaka last ayuko ang makalat" Pahabol ni Trino at tila walang narinig si Ninay dahil pumikit na ito dahil antok na antok na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD