Pinilit ni Trino makatulog ng gabing iyon ngunit hindi niya magawa dahil sa lakas ng hilik ni Ninay at talagang sumasakit na ang tenga niya.
" Humanda ka sa akin babliin ko ang mga tuhod mo" Pasigaw na pagkakasabi ni Ninay ngunit tulog ito.
Nagulat si Trino dahil nagsasalita si Ninay kahit tulog ito.
Hindi siya makapaniwala na gantong babae ang napangasawa niya.
" Nakaka busit talaga" Naiinis na saad ni Trino at binato niya ng unan si Ninay mabuti nalang hindi ito nagising.
Kinaumagahan nagising si Ninay sa alarm ng kanyang cellphone ayaw niya pa sana bumangon Kaso naalala niya na kailangan niya ng pumasok sa school dahil hinahanap siya ng guro niya.
Bumangon si Ninay ngunit naka pikit pa ang mga mata nito.
Dahan- dahan tinungo ni Ninay ang comfort room upang makapag hilamos na siya ng mukha niya.
Hindi niya alam na naliligo si Trino sa loob at nang makita siya ni Trino hinayaan lang siya nito.
Sinimulan ng mag hilamos ni Ninay at naka ngisi lang si Trino habang pinagmamasdan siya nito.
Ilan sandali pa minulat niya na ng maayos ang kanyang mga mata at laking gulat niya na nasa tabi niya si Trino at nakahubad ito.
Bumandera ang hubad na katawan ni Trino Kay Ninay at talagang napalaki ang mga mata ng dalaga.
" ahhhh- bakit ka nandito?"
Malakas na sigaw ni Ninay habang nakatingin sa malaking alaga ni Trino.
" Ikaw tong pumasok dito Ikaw pa magtatanong, kunwari kapa gusto mo lang talaga makita ang katawan ko" Nakangising sabi ni Trino habang nakapa mewang pa ito.
" Ang bastos mo talaga"
Saad ni Ninay at mabilis na itong lumabas ng comfort room.
" Grabe, bakit ang lakas ng kalabog ng dibdib ko? Ang haba at taba naman nun" Hindi makapaniwala si Ninay sa nakita niya.
Nakita niya kasi ang ari ni Trino at talagang napalunok siya dahil sa laki at haba nito.
Pag labas ni Trino sa comfort room hindi makatingin ng darityahan si Ninay Kay Trino at nagmadali nga siyang magtungo sa loob ng comfort room upang maligo na.
Kakamadali ni Ninay hind niya namalayan na nahulog ang bra niya sa sahig.
Habang nagpupunas ng buhok si Trino nakita niya ang bra ni Ninay at dinampot niya ito.
" Ano to bra ng bata? Haha " Natatawang sabi ni Trino habang hawak ang bra Ninay.
Maliit lang kasi ang dibdib ni Ninay hindi tulad ng mga babaeng naka siping niya na noon.
Samantala si Ninay napansin nito na wala ang bra niya kaya muli siyang lumabas ng comfort room at nang laki ang mga mata niya ng makita niya na hawak ito ni Trino.
" Ahhh, bitawan mo Yan
Pasigaw na sambit ni Ninay at mabilis niyang kinuha ang bra niya.
" h'wag ka mag alala hindi ko pag iinteresan ang bra mo" Natatawang sabi ni Trino at lumabas na ito ng kwarto niya.
Napakagat labi na lamang si Ninay dahil subrang hiya niya sa Sarili niya.
" Nakakabusit ka talaga ng lalaki ka" Naiinis na sabi ni Ninay.
Pagkatapos maligo ni Ninay bumaba na siya upang Kumain.
" Kailangan mo na ba pumasok ngayon Ninay?" Tanong ni Don Rodolfo.
" Opo pinapasok na po ako ng guro ko dahil sa Ilan ng araw na pag liban ko po, pasyensya na po kayo." Nahihiyang sagot ni Ninay.
" Ayuko na Kumain may kailangan akong puntahan ngayon." Saad naman ni Trino at tumayo na ito Sa kina u-upoan nito.
" Isabay mo na si Ninay, ihatid mo siya sa school niya" Seryosong pagkakasabi ni Madam Lolita at nakaramdam na naman ng takot si Ninay.
" Mom naman, ipahatid niyo na lang siya Kay manong Mando" Pagtanggi ni Trino at sabay tingin ng masama kay Ninay.
" Isasabay mo siya o iiwan mo ang kotse mo dito at mag commute ka nalang" Saad naman ni Don Rodolfo at mas lalo lang naasar si Trino.
" Sumabay kana sa kanya Ninay"
Sabi ni Madam Lolita at tumayo na si Ninay at sumunod siya Kay Trino paglabas.
Gusto tumanggi ni Ninay ngunit nahihiya siya tila ba ay naging sunod- sunod na lamang siya sa kung ano man ang gusto ng pamilyang Valiente.
" May dadaanan akong tao kaya baka ma late ka sa klase niyo mas maganda na mag commute kana lang" Seryosong sabi ni Trino at binuksan niya na ang kotse niya.
" Okay lang maaga pa naman" Ani ni Ninay at pumasok na siya sa kotse ni Trino.
Sa bandang likuran siya ng kotse sumakay dahil naiilang siyang kasama si Trino.
Habang nagmamaneho si Trino binabaling nalang ni Ninay ang paningin niya sa paligid na dinadaan nila.
Ilan sandali pa huminto si Trino at may isang babae na sumakay.
" Hello Trino! na miss mo ba ako?" Malambing na pagkakasabi ng babae at napansin nito si Ninay.
" Kamusta kana?" Tanong naman ni Trino sa babae.
" Okay naman ako tsaka sino siya?" Interesadong tanong ng babae habang naka tingin kay Ninay.
" Anak siya ng kasambahay namin pinasabay lang ni Mom sa akin" Sagot ni Trino at tila nabigla si Ninay sa sinabi ni Trino ngunit hindi niya iyon pinakita.
" Ahhm okay"
Sambit ng babae at ngumiti lang ito Kay Ninay.
Habang nagmamaneho si Trino sinimulan na siyang halikan ng babae sa leeg.
" Mamaya natin Yan gawin" Nakangiting pang Sabi ni Trino at tila wala silang pakialam Kay Ninay.
Nagpatuloy ang harutan ng dalawa at sa inis ni Ninay nagsalita na ito dahil nababastusan na siya.
" Ihinto mo na, baba na lang ako para matuloy niyo na yan" Naiinis na sabi ni Ninay at napahinto si Trino sa pagmamaneho at mabilis na lumabas si Ninay.
" I think Virgin pa siya"
Sambit ng babae at muli nitong hinalikan si Trino.
" Nakakaderi sila, bakit ba ang Pangit ng araw ko ngayon?" Tanong ni Ninay sa kanyang sarili at nakita niya ang Isang bus at mabilis niyang pinara yun upang makasakay na siya.
Pag pasok ni Ninay sa room nila sinalubong agad siya ng mga kaibigan niya.
" Mabuti naman pumasok kana Ninay na miss ka namin." Natutuwang bungad ng kaibigan niyang si Sabel.
" Na miss ko rin kayo"
Saad ni Ninay at nag yakapan silang apat na magkakaibigan.