Habang naglalakad si Ninay papunta sa sakayan ng bus napansin niyang ang kotse ni Trino at may kasama itong babae. Maulan ang araw na iyon kaya naman pag daan ng kotse ni Trino natalsikan si Ninay ng tubig at nabasa ang uniporme niya. Hininto ni Trino ang kotse niya at mabilis na lumapit si Ninay. " Hindi mo ba kaya mag maneho ng kotse mo ng wala kang na pe-perwisyo?" Naiinis na tanong ni Ninay at tinignan siya ng babaeng Kasama ni Trino. " Oh ito Pera bumili ka nalang ng bagong uniporme mo" Seryosong pagkakasabi ni Trino at tinapon niya ito kay Ninay. Sa busit Ninay binitawan niya ang payong na hawak niya at dinampot niya ang Pera para itapon sa mukha ni Trino. " My gosh" Nagulat na reaksyon ng babae sa ginawa ni Ninay. " Sayo na yan pera hindi ko kailangan Yan" Naiinis na sabi ni

