Ilang araw din ang nakalipas bago makalabas ng ospital si Don Rodolfo at si Ninay agad ang hinahanap nito kaya naman pina uwe na ni Madam Lolita si Ninay at masayang-masaya naman si Trino. Pag uwe nga ni Ninay sa tahanan ng mga Valiente dumarityo agad ito sa kwarto ni Don Rodolfo. " Kamusta na po kayo Papa?" Pag aalalang tanong ni Ninay. " Mabuti naman ako Ninay. Natutuwa ako sayo Kasi pinalaki ka ng maayos ng iyong Ina, kahit anong mangyari Ninay sisiguraduhin ko na mapapanatili ko ang magandang buhay mo." Seryosong pagkakasabi ni Don Rodolfo habang hawak ang kamay ni Ninay. Hindi alam ni Ninay bakit sa tuwing kausap niya si Don Rodolfo ay pakiramdam niya subrang gaan ng loob niya dito. Nagawa niyang makipag sundo dito dahil sa kaligtasan ng Kanyang Kapatid kahit ganoon malaki ang pa

