Mabuti na lang at dumating sina Mindy. Hindi ko alam kung paano ako makakalayo doon kung sakaling hindi sila dumating. Agad kaming bumaba at sinalubong ako ni Echo ng ngiti. May bitbit siyang maliit na paper bag at patakbong pumunta sa akin. Agad akong bumaba para yakapin siya. “Mommy! I bought you something!” He proudly exclaimed. “Really?” Binuhat ko siya at saka nakita kong papasok na rin sina Mindy at Kuya Ethan na may mga dalang paper bag. “Kamusta ang lakad? Kumain na ba kayo? You want me to cook something?” Tanong ko kina Mindy. “Oh, Achilles! Kamusta si Oli?” Tanong ni Kuya kaya napalingon ako sa likod ko. Naglalakad pababa si Bryan at sa likod naman niya ay si Tessa na namumugto ang mata. “He’s fine. Nakatulog na siya. Mabuti na lang at tinawagan ni Brielle ang per

