I felt suffocated during our last talk. Hindi ko kinaya ang usapan namin ni Bryan. Ayoko nang makaraning nang kahit na ano mula sa kaniya. Mas lalo lang akong nahihirapan. Lumabas ako at nagpahangin sa garden. Wala pa rin kasi si Dylan at kanina ko pa siya hinihintay. Tumingala ako sa maliwanag na kalangitan. Hinihiling na sana matapos na ang lahat ng ‘to. “Ang lalim naman ng iniisip mo,” rinig kong bungad ni Dylan habang naglalakad palapit sa akin. Naka upo lang ako sa may round table. Hinihintay siyang makarating. “You’re late, sobrang busy mo siguro sa trabaho.” Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap at niyakap naman niya ako pabalik. “Hmm,” he groaned. “Pagod na pagod ka, kumain ka na ba?” Tanong ko sa kaniya habang magkayakap kami. Inangat ko ang ulo ko para makita

