Nagulantang ako sa nakita ko nang buksan ko ang pinto. Nagkalat halos lahat ng mga gamit sa sahig. Mga gamot ni Jacob na nakakalat sa sahig, natapon na noodles sa mesa at tubig sa sahig. Nanginig bigla ang mga tuhod ko at hindi ko na alam ang gagawin at iisipin. Tila tumigil ang mundo ko ko. Hindi ko alam kung nilooban ba kami o ano. Naguguluhan ako. Halo-halong imosyon ang nararamdaman ko. Sa mga sandaling ito si Jacob lang ang gusto kong makita. Tanging kaligtasan niya ang higit na mahalaga sa mga sandaling ‘to. Agad akong pumasok sa kwarto para hanapin si Jacob pero mas magulo pa ang kwarto. Nakita ko 'yung isang phone niya sa kama. Agad kong kinuha iyon at tinignan 'yung location nung isa niyang phone para malaman kung saan siya ngayon. Habang hinihintay kong magbukas ay mas

