Lumipas ang dalawang araw mag mula nang may mangyari sa amin ni Bryan. Hindi niya ako kinakausap o kahit na tinatapunan ng tingin. I wanted to talk to him to delete that picture. Wala akong lakas na kausapin siya at hindi rin ako makahanap ng tamang oras para kausapin siya dahil lagi silang magkasama ni Tessa dahil masama ang pakiramdam niya. Para na akong mababaliw, hindi ako makatulog dahil kakaisip na baka kumalat ang picture namin ni Bryan. Na baka dumating sa punto na pati si Dylan ay magalit na rin sa akin dahil sa mga ginawa ko. Nandito ako ngayon sa couch, watching Echo and Oli play. Umalis si Mindy at si Ethan kaya ako muna ang nagbantay sa dalawang bata. “Manang! Ano ba ‘yang niluluto mo? Parang ang lansa naman niyan!” Sigaw ko mula sa kinaroroonan ko dahil sa malansang

