Pumasok ako sa loob ng kwarto habang naka alalay sa akin si Dylan. Bigla na lang akong nanlambot dahil sa mabilis na pangyayari. Mabuti na lang at naka-alalay sa akin si Dylan dahil kung hindi? Malamang ay natumba na ako. “Okay ka lang?” Tanong ni Dylan. Hinawakan niya ang kamay ko at saka marahan na inalalayan hanggang makabalik sa kama. Pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko aakalain na magiging ganoon ako. I didn’t want to be like that pero they are all pushing me to be. “Dylan,” tawag ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko. “Dylan.. about the mansion…” I started, my voice was a bit shaky. “Magpahinga ka na. Saka ka na lang magpaliwanag kapag may lakas ka na.” His cold voice filled the entire room. “Hindi ko naman talaga balak na kunin na ‘to. Pero hindi mo nakikita kung paa

