Nagising ako sa ingay at hampas ng hangin na tumatama sa bintana. Umuulan pa rin at mas lalo itong lumakas ngayon. Wala sa sarili akong bumangon para kumuha ng tubig kahit na nilalamig ako at nanghihina. Wala pa rin si Jacob. Habang nanginginig ang kamay kong nagsasalin ng tubig sa baso ay nahagip ng mata ko ang orasan na malapit sa pinto. Alas dose na ngunit wala pa rin si Jacob. Kamusta na kaya siya? Pinuntahan niya kaya ako? Sana naman ay maayos na siya. Hindi ako makalabas dahil sa sobrang lakas ng ulan at wala rin naman akong telepono kung sakaling tatawagan ko si Jacob. May mga iilan kaming kapitbahay pero hindi ko naman kilala ang mga iyon. Iyong nasa taas naman ng bahay na 'to ay hindi ko alam kung may nakatira pa ba doon o wala. Napahawak ako ng mahigpit nang maramdaman kong

