“Sigurado ka bang okay lang na hindi ka makakasama?” Tanong ko kay Dylan nang ihatid na niya kami sa bahay nila Bryan. Sabi niya kasi ay hindi siya makakasama dahil may biglang tumawag sa kaniya at kailangan niyang makipag kita doon. Hindi ko tuloy alam kung umiiwas lang siya or totoo na may meeting siya. I didn't want to make him feel bad or what. “Bye Daddy!” paalam ni Echo at niyakap niya so Dylan. Ngumiti is Dylan at ginulo ang buhok ni Echo. Kapag kay Echo, okay naman siya pero kapag sa akin, ang cold niya. Hindi tuloy ako sanay. Parang ang sikip sa pakiramdam kapag ganito. “Nandito na pala kayo,” boses iyon ni Bryan mula sa likod namin. Tumayo si Dylan at tinitigan si Bryan kaya agad akong napalingon. Kakaligo lang niya and he’s wearing shorts and white v-neck shirt. “T

