“Hindi ka rin feeling ‘no? Hindi ka ba talaga titigil ha?” Agad kong inilapag ang basong hawak ko pati na rin ‘yung pitsel na hawak ko kanina galing sa ref. Bumaba ang tingin ko doon sa tubig na natapon at saka napailing. “Sa susunod kasi, diyan ka magfocus sa ginagawa mo, hindi sa akin.” Inirapan ko na lang siya at hindi na siya pinansin. Kumuha ako ng basahan pra punasan ‘yung natapon. “Ako na ang maglilinis, pasensya ka na at wala kaming katulong. Yaya lang ni Oli ang kinuha namin,” paliwanag niya habang kumukuha ng basahan para tulungan ako. Hindi ko naman kasi ineexpect na wala silang katulong. Kaya pala ang lungkot ng mansyon kanina pagkauwi ko. Kaya pala ang tahimik at hlaos wala akong tao na nakita. Wala na rin ‘yung mga guards ko dati. Kapag papasok kasi dati mula sa

