“Mommy! It’s raining!” Sigaw ni Echo habang nakaturo sa labas. Alas siyete na yata pero wala pa rin sila Tessa. Kanina pa ako nakaupo dito sa couch habang nagbabasa. Si Echo at Oli naman ay naglalaro lang sa harap ko. Si Bryan, nasa tapat ko naglalaro din ng ML. “You want to go outside?” Binaba ko ang hawak kong libro at saka pag tingin ko sa direksyon nila at nakatingin lang sila sa akin. Agad naman lumawak ang ngiti ni Echo at tumango. Samantalang si Oli naman ay hindi pa yata niya na gets ang ibig kong sabihin. Pakiramdam ko tuloy, parang kawawa si Oli. Parang hindi siya pinapayagan palagi. Parang hindi niya na-eenjoy ‘yung pagiging bata dahil sobrang strikto si Tessa. “Alright, pero saglit lang ah? Gabi na at isa pa baka magkasakit kayo,” paliwanag ko at saka nilapag sa gilid ko

