CHAPTER 15

2496 Words

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako dito sa sofa. Nanonood lang ako kagabi habang ginagawa ni Jacob ‘yung presentation ko tapos biglang nakatulog na ako. Agad akong napatayo nang malamang umaga na at naamoy ko na ang banong niluluto mula sa kusina. Malamang ay si Jacob na ‘yon. Agad naman akong nataranta dahil hindi ko alam kung nasaan si Bryan. Bigla akong kinabahan. Paano kung naabutan ni Jacob si Bryan dito sa tabi ko? Malamang ay nag away ‘yung dalawa. Agad kong binuksan ang laptop ko na nasa tapat ko lang. Naiinip ako sa pagbubukas ng laptop. Natapos kaya ni Bryan ‘yung presentation? Agad kong sinilip ang phone ko at puno ng missed calls at text mula sa mga groupmates ko. Parang natanggalan ako ng tinik sa puso nang makitang natapos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD