Kinaladkad ako nitong lalaking ‘to papasok ng Cinehan papunta sa upuan naming dalawa. Hindi ko pa rin talaga kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Paano niya nalaman ang meaning ng pangalan ko. Ewan ko ba, pangalawang beses na niya ‘to sinabi sa akin. At sa tuwing sasabihin na ‘yun, akala mo ay galit at gustong harapin ang kinatatakutan ko. “Sayang naman ‘yung ticket, tutulugan mo lang,” komento ko nang makita siyang tamad na tamad na naka upo at nakapikit. Nandito kami sa bandang itaas na parte ng sinehan. Kung tutulugan niya lang ‘to bakit pa siya bumili ng ticket? “Gusto mo rin ba matulog?” ngumisi siyang nagtanong sa akin. Umiling na lang ako at binalik ang atensyon ko sa screen ng sinehan. “Ang gwapo talaga ni James,” sambit ko habang pinagmamasdan ng maiigi ang mukha

