Ilang araw na ang nakalipas mag mula nang lumipat kami ni Jacob dito sa Green Fields malapit sa Bayan. Okay din naman dito, tahimik at malapit kaysa doon sa Palmera. Sabado ngayon at napagdesisyonan naming magpacheck up. Sasamahan ko si Jacob sa check up niya dahil noong nakaraan ko pa siya pinipilit na magpacheck up. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa Hospital pero mabuti na lang at napilit ko siya. “Nagugutom ka na ba? Gusto mo bilhan kita ng pagkain?” tanong ko kay Jacob habang naghihintay kami dito sa labas ng Commonwealth Hospital. Kami na ang susunod at ang daming tao ang kasunod namin. Mabuti na lang at maaga kami pumunta dito. “Hindi na, mamaya na lang pagkatapos ko magpacheck up. Ikaw ba nagugutom ka na ba?” tanong niya balik sa akin. Umiling lang ako at niyak

