Sinundo ako ni Kuya Ethan dahil wala rin naman daw siyang gagawin. At may lakad sila ni Mindy at pinaalam naman niyang isasama nila si Echo. Ayoko naman ipagkait si Echo, kaya hindi na ako nagdalawang isip at pinayagan ko na rin na sumama. Friday ngayon kaya lahat sila ay halos wala. Si Daddy, hindi ko alam kung saan pumunta. Ang aga niya kanina umalis. Pagkagising ko kanina, nakaalis na siya. “Bye Mommy!” Paalam ni Echo. Nginitian ko naman siya at nakatingin sa porma niya na siya pa mismo ang namili. He’s wearing jeans paired with his favorite t-shirt na regalo pa ni Dylan sa kaniya. “Alright, ‘wag ka magpasaway kina Tita Mindy at Tito Ethan okay?” Bilin ko sa kaniya. Agad naman siyang tumango kaya agad kong pinasuot sa kaniya ang bag niyang may mga extrang damit. Napalingon n

