Ilang araw na ang nakalipas. Tingin ko naman ay medyo magaling na ang mga binti ko. “Gusto mo bang sunduin kita mamaya?” Tanong ni Dylan. Umiling ako at nginitian siya bago tinanggal ang seatbelt ko. “Magpapasundo na lang ako kay manong mamaya. Asikasuhin mo na ‘yung mga dapat mong aasikasuhin. Full schedule ka sabi ni Amy.” “You know, I can always free my time for you,” he smiled at me. Napailing na lang ako. “Kakaganyan mo, malulugi ang kompanya natin!” Natatawang biro ko sa kaniya. “Sino pala ang i-mmeet mo?” Dagdag na tanong niya. Umiling ako, “Wala, kaibigan ko lang dati.” “Malalate ka na, thank you sa paghatid.” “Tawagan mo na lang ako after mo, I’ll cook later.” Nginitian ko siya at nginitian niya rin naman ako pabalik. Matapos ko magpaalam at hinalikan siya sa

