CHAPTER 77

3157 Words

Nang makababa na kami sa kotse, agad na bumungad sa akin si Echo na nakahawak pa ang kamay kay Mindy. Namumugto ang mata niya at mukhang hindi rin gaano nakatulog si Mindy. Binaba nila ako sa sasakyan at naka wheelchair pa rin ako dahil hindi ako makalakad at hindi pa magaling ang pilay ko sa binti. “Mommy!” Sigaw ni Echo at tumakboo papunta sa akin at umiiyak. Pinasadahan ko ng tingin si Mindy at saka agad na niyakap si Echo. “Why are you sick Mommy?” Umiiyak na tanong ni Echo. Nasa likod ko si Dylan at naka-alalay sa akin. Hindi namin kasama si Daddy na umuwi dahil nauna na siya kanina. Baka ngayon ay nasa loob na siya. “I’m okay, baby. Nandito na si Mommy, you want alfredo pasta?” Tanong ko sa kaniya para hindi na siya umiyak. Sumasakit ang dibdib ko kapag ganito si Echo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD