Nang makalabas kami sa Hospital ay wala ni isa sa amin ang umiik sa loob ng Taxi. Naka sandal lang ako sa bintana habang siya naman ay diretsiyo lang ang tingin sa daan. Hindi ako sanay na ganito kami. Ito ang unang beses na ganito kami. Isang taon mag-iisang taon na kaming magkasama. And I never saw him like that. I mean hindi siya ganoon. Whenever things get messy, kalmado lang siya at sinusubukan niya lahat para ipaintindi sa akin ang mga bagay bagay. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya sa mga nangyari kanina. Ni hindi man lang niya sinubukang ipaliwanag lahat. I tried to figure it out but it looks like he’s trying to hide something. Nang makaliko na sa loob ng Subdivision ang Taxi ay nahigip ng mata ko si Bryan na naka tayo at naka abang lang sa kanto

