Wala sa sarili akong lumabas ng bahay. Tulog pa si Jacob pero umalis ako. Naglakad lang ako dahil hindi ko naman alam saan ako pupunta. Hindi ko naman alam kung anong mararamdaman. Sa totoo lang, parang sinaksak ng paulit ulit ang puso ko. Ano pa ba ang hindi ko alam? I thought everything would be fine kapag nakauwi na kami. Hindi ko pa nga natatanong ‘yung about sa hikaw, may panibago na naman. Niloloko ba ako ni Jacob? Is he cheating on me? Is he playing on me? Kasi naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang dapat na iisipin o gawin. Natatakot akong magtanong. Natatakot akong malaman ang sagot sa mga bagay na ikakalinaw ng isipan ko. Paano kung niloloko niya ako? Paano kung may iba na siya? Paano kung may iba na siyang mahal? Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nasa

