“Ang layo naman nung bahay niyan. Tignan mo kung hindi ako sumama edi mag-isa ka lang dito? Tignan mo nakakatakot pa,” reklamo ni Bryan habang naglalakad kami dito sa kalagitnaan ng mga puno. Naflat kasi ang gulong nung sinasakyan namin kaya bumaba na lang kami at naglakad. Hindi naman kami pwedeng bumalik dahil malapit na kami sa pupuntahan namin at hindi naman pwede na bumalik kami. “Nagrereklamo ka pa, umuwi ka na kaya?” kunot noo na sabi ko sa kaniya habang patuloy pa rin sa paglalakad. Naiinis na kasi ako, kanina pa siya maingay at nakakairita. “Papauwiin mo ako mag-isa? Hindi mo ba ako sasamahan?” tanong niya. Binilasan ko na lang sa paglalakad at naiingayan ako sa kanya. “Uy ang bilis mo naman maglakad! Hintayin mo naman ako!” dagdag pa niya na halatang hinahabol ako sa p

