Kanina pa kami dito naghihintay sa garden. Wala pa rin kasi ang Investor namin at umalis dahil may pinuntahan na importanteng lakad. Imbes na bumalik, naisipan kong maghintay na lang dahil nandito na rin naman kami. Masyado ng malayo ang pinuntahan at nilakad namin para bumalik pa sa susunod na araw. “Thank you,” sabi ni Bryan doon sa katulong na nagbigay ng kape. Medyo madilim na at nag aalala na ako dahil baka hanapin na ako ni Echo. Wala din kais gaanong signal kaya hindi ko alam kung paano ko sila makokontak. “Ah, Manang..” “Wala pa po ba ‘yung boss mo? Gabi na po kasi eh. Kanina pa po kami dito.” “Kailangan ko na po kasing umuwi,” dagdag ko pa. Hindi pwedeng hindi kami umuwi. Hindi rin naman pwedeng umuwi kami na wala pa ang investor namin. Hindi ko na tuloy alam kung ano

