Matapos ko marinig lahat ng sinabi ni Bryan, tinalikuran ko siya agad. Nabigla ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at saka pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Ang sikip ng dibdib ko at nahihirapan ako huminga. “Brielle,” tawag niya sa akin habang ako ay umiinom na ng tubig. Hindi ako lumingon at patuloy lang ako sa ginagawa ko. “Hirap na hirap na rin ako kagaya mo,” panimula niya na ang boses niya ay nagsimula nang bumaba. Nakatalikod pa rin ako pero hindi ako lumingon hinayaan ko lang siya. “Edi umalis ka kung nahihirapan ka na!” sabat ko sa kaniya at naglakad pabalik sa sofa. Kinuha ko ang bag ko at saka akmang aalis na ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko kaya napaghinto ako. “Aalis na ako, umalis ka na rin. Doon ka naman din pupunta hindi ba?” mahinang sabi

