Krisha POV
"TUMAWAG na tayo ng police para mahanap na ang anak ko "sabi ni Mom
"Nakipagtulungan na po kami kay Mr. Gomez Tita Kyla "sabi ni Mia
"Gosh ! Kailan pa nawawala yung anak ko! Tapos ngayon nyo lang sinabi sa akin ?! "Sigaw na sabi ni Mom at humawak pa ito sa dibdib nya
"I'm sorry Mom, hindi ko naman po ginusto na hindi po sabihin sa inyo "nakayukong sabi ko
"It's okay Krisha, nag-aalala lang kaming magulang sa anak namin "sabi ni Dad
"Akala ko po kasi uuwi si Gio at baka may ginawa lang importante kaya po hindi ko po muna sinasabi "
"May sinabi na ba si Mr. Gomez sa inyo kung sino ang kumuha kay Gio ? "Tanong ni Mom
"Wala pa po tita, sinisimulan na po namin ang paghahanap kay Bea "sabi ni Jayvee
"Paano na pasok dito si Bea ? "Tanong ni Gail
"Sya ang huling kasama ni Gio bago mawala si Gio at sinabi ng secretary ni Gio yun "sabi ni Kuya Zander
"Axel, baka ito na yung kinakatakutan natin na makuha ang mga anak natin "umiiyak na sabi ni Mom
"Shhh... Mahahanap rin natin si Gio Janiella, don't worry "at niyakap pa ni Dad si Mom para patigilin sa pag-iyak
"Natatakot ako Axel "
Kung sino ka man na kumuha sa asawa ko humanda ka sa akin, sisiguraduhin kong pagbabayarin at pagsisihan na kinuha mo ang asawa ko ..
"Pangako po Mom and Dad, hahanapin ko po si Gio "
Tumingin naman sa akin si Mom at hinawakan ang kamay ko at lumuhod
"Nagmamakaawa ako sayo Krisha, hanapin mo ang anak ko "umiiyak na sabi ni Mom
Lumuhod rin ako para magpantay kami ni Mom "Asawa nya po ako Mom at hahanapin ko po talaga sya "
"Thank you "
"Krisha, may kailangan kang makita "sabi ni Mia
Nagpaalam muna ako at lumabas kaming apat ng bahay
"Ano yun ? "Tanong ko
Nilahad sa akin ni Mia yung cellphone nya at kinuha ko naman iyon. CCTV ito ng coffee shop kung saan nakipagkita si Gio kay Bea at kitang - kita dito kung papaano mawalan ng malay ang asawa ko at buhatin ng dalawang lalaki
"Confirm si Bea ang may hawak sa asawa mo "sabi ni Mia
"Pero, bakit na magagawa na kunin sa akin si Gio ? "Tanong ko
"Ex ni Gio si Bea "napatingin naman ako kay Kuya Zander
"You mean yung babaeng una nyang minahal ? "
"Yes at hindi titigil si Bea hanggat hindi nakukuha ang asawa mo "sabi ni Kuya Zander
Napakuyom na lang ako ng kamao dahil sa narinig ko, all this time nagpapanggap lang sya na mabait para makalapit sa asawa ko at makuha sa akin
"At ngayon nagtagumpay si Bea na makuha sayo si Gio "sabi ni Jayvee
"Magtago na sya kung saan na gusto, wag nya lang ako bibigyan ng rason para makuha ulit si Gio at sisiguraduhin kong magkakamatayan muna kami bago nya muling makuha ang asawa ko...?! "Galit na sabi ko
"Ang tanong ? Saan nya dinala si Gio ?"
"Pakisabi kay Mr. Gomez pakibilisan ang paghahanap sa information ni Bea at nong kristine Mia "sabi ko
"Sige sasabihin ko "sabi ni Mia
Nauna na akong umalis sa kanila dahil kailangan ko ng umuwi, may anak akong naghihintay sa akin. Mahigpit ang kapit ko sa manibela at inalala ang mga sinabi ni Kuya Zander
"Makukuha rin kita sa kanya Gio, hintayin mo ako "