Krisha POV
NAPAKUNOT noo na lamang ako sa sinabi ng secretary ni Gio dito sa kumpanya
"Maaga pong umalis si Sir Gio Mam kahapon "
"Are you sure ? "Tanong ko
"Yes po, nakipagmeet po kasi sya kay Ms. Bea dahil may mahalagang sasabihin si Ms. Bea kay Sir Gio "sagot ng secretary ni Gio
"Okay, thank you "yumuko muna sa akin yung secretary ni Gio at umalis na
Mula pa kahapon hindi pa umuuwi si Gio tinawagan ko na sila kuya Zander kung alam nila kung nasaan si Gio pero hindi rin nila alam. Kaya minabuti ko ng pumunta dito sa kumpanya para tanungin kung saan pumunta si Gio, pero hindi rin alam ng secretary ni Gio
"Saan ba nagpunta si Gio ? "Tanong ni Mia
"Any impormation krisha kung sino ang huling kasama ni Gio ? "Tanong ni Jayvee
"Ang sabi sa akin ng secretary ni Gio. Si Bea daw ang huling kasama ni Gio "sagot ko sa kanila
"Bakit hindi natin puntahan sa bahay si Bea at tanungin diba ?"
"Yeah, let's go "sabi ni Kuya Zander at sumakay na kami ng kotse para makapunta sa bahay ni Bea
Sana lang walang mangyari masama sayo Hon...
"Tao po ! "Sigaw ni Mia
Kanina pa kami nagdodoor bell kaso walang lumalabas sa bahay kaya sumisigaw na lang si Mia
"Kanina pa tayo dito pero walang sumasagot "sabi ni Mia
"Dito ba talaga nakatira si Bea Zander ? "Tanong ni Jayvee
"Yeah "sagot ni Kuya Zander
"Eh, bakit walang sumasagot "
"Wala talagang sasagot jan dahil walang tao jan "rinig naming sabi ng isang ale
"Alam nyo po ba kung nasaan si Bea Mrs ?"tanong ko
"Bea ? "Naguguluhang sabi nong Ale
"Opo, si Bea Carter po yung may ari ng bahay "sabi ni Mia
"Wala akong kilalang Bea at isa pa hindi Bea ang pangalan ng may - ari ng bahay na yan "
Napatingin kaming apat dahil naguguluhan talaga kami kasi ang alam namin jaan nakatira si Bea at jaan pa nga sya ininterview ng mga reporter noon kaya impossible na hindi ito ang bahay ni Bea ...
"Kung ganon po. Ano pong pangalan nong may - ari ng bahay ? "Tanong ni Jayvee
"Kristen Medina ang pangalan ng may - ari nyan at ang alam ko umalis sya kahapon "sabi nong Ale
Kristen Medina ? At sino naman iyo?
"Sige po, salamat po "nakangiting sabi ko sa ale at umalis na
"May kilala ba kayong Kristine Medina ? "Tanong ko kanila kuya Zander
"Kristine Medina ? Wait familliar sya sa akin.. Diba narinig na natin yung pangalan na yon Zander ? Kaso hindi lang namin alam kung saan namin narinig yun "sabi ni Jayvee
"Yeah, familliar sa akin yun "sabi ni Zander
"Ipapahanap ko na lang yung kristine medina na yun "sabi ni Mia
Parang may maling nanyayari ngayon at sino itong Kristine Medina na to'
"Paimbestigahan mo nga rin si Bea Carter Mia at kailangan ko agad ng sagot sa madaling panahon "utos kong kay Mia
"Copy Krisha "sabi ni Mia at may tinawagan sya sa cellphone
Umuwi na lamang kami dahil wala rin pala doon si Bea
"Mom. Where's dad ? "Tanong ni Jace sa akin
Lumapit ako sa anak ko at ngumiti "Bakit hindi ka pa natutulog Jace ? Gabi na ah at may pasok ka pa "sabi ko
"Hinintay ko po kayo Mom at si Dad "malumanay na sabi ni Jace at humihikab pa ito
"Kailangan mo ng matulog anak, inaantok kana "
"But Mom, nasaan po si Daddy ? "Tanong ni Jace
Inayos ko muna yung buhok ng anak ko at pinaupo sa kama "Hmmm.... Nasa trip pa ang daddy Jace "nakangiti kong sagot sa anak ko
"But Mom, why are you sad ? Look your eyes Mom "sabi ni Jace
Nahalata na siguro ng anak ko na malungkot ako dahil hindi ko talaga alam kung nasaan si Gio
"I'm not sad Jace , I'm just tired at magkaiba yun anak "sabi ko
"You need to rest Mom kung pagod kana po, don't worry mom i'll help you to care Ella "nakangiting sabi ni Jace
Ngumiti na lamang ako at niyakap si Jace, pinigilan kong wag umiyak dahil baka mag-alala pa ang anak ko pagnakita nyang umiiyak ako...
"Hon, Where are you ?? "