Mia POV ISANG taon na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang malagim na pangyayari at masasabi ko na maraming namatay dahil sa nanyari, sumabong ang lumang building at kahit papaano nakakalimutan na rin namin ang lahat ng nanyari Naging maayos na rin naman ang lahat.. Lahat ng sangkot sa pangyayari ay nakulong maliban na lamang kay Bea na namatay na dahil tumalon ito sa rooftop at may tama na rin ito bago pa tumalon "Kailan po kaya magigising si Mommy Tita Mia ? "Tanong sa akin ni Jace habang nasa labas kami ng kwarto kung saan mahimbing na natutulog si Krisha "Magigising rin ang Mommy mo Jace "sabi ko kay Jace "Malaki na po yung tyan ni Mommy, malapit na rin pong lumabas si baby "sabi ni Jace "Malay mo naman bago lumabas ang kapatid mo. Nagising na ang Mommy mo "nakangiti kong sabi

