Krisha POV NAKATINGIN lang ako sa puntod ni Gia, ngayon lang kasi ako nakalabas ng hospital mula ng magising ako at manganak ako "Sorry Gia kung ngayon lang nakadalaw si Mommy ah, ngayon lang kasi nagising si Mommy "nakangiti kong sabi at inaayos ko yung bulaklak na binili ko "I'm sorry kung dahil sa akin kaya ka namatay ng maaga, hindi ko gusto na mamatay ka Gia. Dapat ako ang nanjan at hindi ikaw "hindi ko na napigilan na lumuha dahil bumabalik ulit sa akin yung panahon na nag-aagaw buhay sa kamay ko si Gia Kahit na natapos na yon para sa akin parang kahapon lang yon nanyari at hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat. Hindi naman ako dating ganito mabilis ko pa nga nakakalimutan ang lahat kasi sanay na ako sa ganito pero dahil may mahalagang taong nawala ng dahil sa akin kaya

