HINATID ako ni Dianna sa sakayan ng MRT nang maaga pa lang. Pinakiusapan kasi ito ni Piyang na ihatid ako para naman hindi na ako mag-commute pa palabas ng Bulacan. Madilim pa ang langit kanina nang lumuwas kami. Tahimik lang kami sa buong biyahe kanina ni Dianna. Parang malalim ang iniisip nito. Gusto ko sana siyang i-comfort at sabihin na makakaya niya ang bawat pagdadaanan basta maging matibay lamang siya. Ang problema, ayokong makisawsaw at baka isipin nitong masiyado akong nagmamagaling. Relate na relate ako sa sitwasyon niya. I wanna give her a words of wisdom. Talk to her. Ask her but I just couldn't. Kung ang buhay ko nga mismo ay hindi ko maayos ayos kaya sino ako para mangaral sa kanya? Hindi ko hinuhusgahan ang pagkatao niya pero ang mabuntis nang maaga ay maling-mali. She's

