HALOS halughugin ko ang buong hospital nang makapasok ako sa emergency room. Hindi ko nga ramdam ang mga paa ko habang naglalakad. Para akong lutang sa karimlan at tanging maliliit na boses lamang ang naririnig ko. Mabagal ang paggalaw ng mga tao sa paligid at ako itong hapong-hapo. Basta usapan tungkol kay Twinkle ay nanghihina ako. Siya ang kahinaan ko. Kung may kaaway ako at may ginawang masama ang taong iyon sa anak ko, makakapatay ako. Luminaw ang mata ko nang makita ko si Piyang na nakaupo sa waiting area. Nakayuko ito. Tinakbo ko ang pagitan namin at kaagad na kinuha ang balikat nito upang harapin at tanungin. “Nasaan si Twinkle?” napapaos kong tanong. Manhid na manhid pa rin ang mga paa ko. Hindi ko nga alam kung paano ko narating ang ospital na ito nang walang nangyayari

