EVERYTHING is in chaos right now. Matagal akong nakatayo lamang sa kinatatayuan. Matagal din kaming nagkatitigan ni Dylux. Masamang masama ang tingin niya sa akin ngayon. Sa salubungan naming dalawa ng titigan ay ako ang siyang unang kumurap. Parang may apoy ang mga mata nito at kulang na lamang ay sunugin ako niyon. Damang dama ko ang pagtupok sa akin niyon. Sa kaibuturan ko ay sunog na sunog na ako but I managed to stand still in front of him. “You're friend doesn't have a child," he said without blinking. A statement that gives a sudden chill to my core. Isang bagsak kasabay nang pagtulo ng luha ko. Napaka-emosyonal ko ngayon at nagmumura ang isip ko sa sitwasyong kinahaharap. Nakatanga lamang ako nang bitawan niya ang mga salitang iyon. Hindi halos bumuka ang bibig ko upang umpisaha

