NAGISING ako mula sa mahihinang tapik sa pisngi. Sumalubong sa akin ang naka-uklo na si Dylux. Nakangiti ito habang nakatukod ang kamay sa ibabaw ng sasakyan. “Nasaan na tayo?” Kinusot ko ang mata at pinakaramdaman ang paligid. I guess we here. Wala naman masiyadong pinagbago ang Hacienda Montevista. Paraiso pa rin naman. Demonyo nga lamang ang nagmamay-ari. “Sa pinagmulan ng lahat,” sagot nito. “Ayoko pa sanang gisingin ka kaso baka hindi ko matiis ang sarili ko at bigla na lamang kitang sunggaban.” Sinamaan ko siya ng tingin na ikinangisi lamang niya. “Nasaan ang asawa mo? Gusto mo ba talagang nagkagulo kami sa pagdala mo sa akin dito?” Ang lakas kasi ng apog nitong dalhin ako rito samantalang naririto ang asawa niya. “I'm already looking at her,” seryosong sabi nito. “Bakit na

