KABANATA 101

2521 Words

PARA sa akin kasing tagal ng habambuhay ang pagbaba nito sa hagdan habang nakapamulsa. Sobrang nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko dahil sa mga nalaman ko. Bumaliktad ang mundo at isinasampal sa akin ang lahat ng katotohanan. Ang sabi nila, masakit ang mapagsinungalingan ng taong mahalaga sayo pero mas masakit pala ang katotohanan kapag pumarada na ang mga ito sayo isa-isa. Ito ang mga bagay na dapat sabihin sa akin ni Dylux noon pero pinili niyang manahimik at ayusin mag-isa. Pinaniwala niya akong ikakasal na nga siya when in fact, hindi naman pala. Para ano? Mapasakitan ako? Para hayaan ako at lumayo na talaga. Hinayaan niya akong mabuhay sa lungkot at sakit. Narating ni Dylux ang harapan ko. Kinuha ko ang pagkakataon. Mabilis na umigkas ang kamay ko at sinampal ko siya sa mukha. D

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD