“KUMUSTA ang baby ko?” Naabutan ko'ng nasa sala si Piyang at Twinkle habang masayang naghaharutan. “Mommy! You're here!” Tumalon si Twinkle at kaagad akong pinupog ng yakap at halik. Nakapa ko ang likuran nitong basang basa na sa pawis. “Bakit pawis na pawis ang likod mo? Magbaihis ka na nak at baka ubuhin ka.” Nilagyan ko ng bimpo ang likod nito at inayos ang buhok nito. “Later na lang, Mommy. Nanonood pa kasi kami ni Tita Piyang, eh.” Binalingan ko ang pinanonood nila at nakitang tungkol iyon sa buwan. At dahil knowledgeable naman iyon ay hinayaan ko na lamang. “Nga pala Heina, kailan natin i-e-enroll itong si Twinkle?” Kumakain si Piyang habang abala sa panonood. Nasapo ko ang noo. Oo nga pala, masiyado akong naging abala at nawala sa isip ko 'yon. “Baka next week. Bihis l

